Lahat tayo ay alam kung papano huhugasan at linisan ang mga plato at iba pa na mga kagamitan. Ngunit sa paghuhugas ay may tamang paraan ito at tamang paglilinis ng mga ito. Mayroon din namang tamang sabon para sa bawat kagamitan sa bahay tulad ng detergents, abrasives, solvent cleaners, at acid cleaners. Sa sanitation naman at ammonia, dish washing liquid, chlorine, carbonic acid, timsen, disinfectants at sabon. Ngayon ay ating tatalakayin ang tamang paghuhugas ng plato at mga iba pang kagamitan sa kusina upang maiwasan ang food contamination.
Bago magsimula sa paghuhugas ng mga plato ay magsuot ng guwantes o gloves kung mayroon kang problema sa kutis at magsuot ng apron para sa iyong katawan. Bago sabunin ang mga plato ay tanggalin o kunin ang natitirang pagkain sa plato upang mas mapapadali ang paghuhugas ng walang aberya sa kusina at ilagay ito sa basurahan o garbage bag. Ihiwalay ang glassware, silverware, chinaware pati ang kutsara at tinidor upang maiwasan ang pagkahiwalay nito sa tamang lalagyan at maiwasan ang pagkabiyak ng mga plato. Punuin ng tubig ang palanggana ng mainit na tubig, mas mapapadali ang paghuhugas kung mainit na tubig ang gagamit dahil madaling matanggal ang dumikit na pagkain sa plato, pagtanggal ng bakterya at pag-sanitize nang mawala ang bakterya sa mga plato. Kailangang nasa 66°F/150°F o mas mataas pa upang hindi ka mahirapan sa pagtanggal ng dumikit na sebo at kung maaari ang gumamit ng rubber gloves upang maiwasan ang pagkapaso ng iyong mga kamay at pagkasugat ng kamay. Unang hugasan ang mga madadaling hugasan tulad ng mga baso na gawa sa glass, cups, mugs at flatware. Isa-isahin itong sabunan at banlawan ng mainit na tubig. Hugasan ang plato, bowls, serving dishes at ugaliing tanggalin muna ang tirang pagkain na nasa plato. Sabunan ang bawat piraso at banlawan ng mainit na tubig at huwag kakalimutang palitan ang tubig o ang dish washing water. Ang huli naman na huhugasan ang mga kaldero, pots at pans. Hugasan ito ng mabuti dahil nakadikit dito ang grease o sebong mayroon dito. Huwag din na kalimutan ang taas ng pots at pans na hugasan at hintaying tumuyo ang mga hinugasan o kaya ay punasan ito ng malinis na bimpo at patuyuin. Siguraduhing walang sebo ang naiwan sa hinugasan at nalinis ito. Kung may naiwan mang sebo ang mga plato ay ulitin itong hugasan para maiwasan ang food contamination. Hugasan ang brush at sponge at patuyuin ng hangin.
Ang mga kagamitan ang huwag kalimutang i-sterilize ng mainit na tubig at bleach. Kung ang sponge na kasalukuyang ginagamit ay nagsisimulang umamoy o bumabaho ay kagaad itong itapon sa basurahan dahil kung ito ay gagamitin uli ay magkakaroon ng food contamination dahil direkta itong tumatama sa mga kagamitang nilalagyan o direkta sa pagkain. Kung paghuhugas ng mga plato ay siguraduhing mauunang hugasan ang glassware bago ang mga masesebong pots at pans. Magsuot ng rubber gloves dahil ito ay nagsisilbing protekta sa kamay na may manicure at sa mismong kamay at sa pagbanlaw o paghugas gamit ang mainit na tubig. Ang mga nahugasang mga plato at mga gamit ay maaaring patuyuin gamut ang malinis na bimpo o kaya ay patuyuin na lamang ng hanging. Maaaring lagyan ng kutsaritang baking soda ang mabulang tubig upang hindi gumaspang ang mga kamay at ito ay lumambot kahit na nag-scrub ng masebong gamit na hinuhugasan. Ang mga nahugasang plato at gamit ay maaaring patuyuin gamit ang malinis na bimpo. Huwag ilagay ang mga matutulis na bagay tulad ng matulis na kutsilyo sa mabulang parte ng palanggana dahil hindi ito makikita dulot ng bula at ikaw ay masusugatan na magiging sanhi ng impeksyon ng hindi sinasadya. Ang mga laundry detergents o automatic dish washer detergents ay hindi maaaring gamitin sa paghuhugas ng mga plato gamit ang kamay.
Ang mga plato ay madaling mahugasan kung ilalagay ito sa tubig habang unti-unting tinatanggal ang mga dumikit na sebo sa plato. Tignan ang mga platong tapos ng nahugasan at suriin bawat piraso kung mayroong naiwang sebo o greese sa plato. Maaaring patuyuin ang pots at pans gamit ang paper towel o kaya ay tissue upang mabawasan ang pagkadumi ng bimpo galing sa pans at pots dahil sa itim o soil na dumikit dito. Huwag ilagay ang uri ng gamit na gawa sa aluminum sa tubig dahil ito ay iitim, kakalawang at lululuma. Ang dishwashing silverware ay mahirap patuyuin. Gumamit ng tissue o paper towel sa pagpapatuyo ng silverware na gamit.
Ugaliing linisan ang lalagyan ng mga pinggan upang hindi madumihan ng agiw sa paligid. Huwag hayaang malagay kung saan-saan ang mga pinggan na bago pa lamang na nahugasan. Maging matalino at maging malawak ang imahinasyon sa pag-aayos ng mga plato ayon sa mga uri ng mga ito upang maiwasan ang pagkalito aa pagkuha at paghahanap ng plato dahil ang bawat plato ay may iba-ibang uri at gamit nito.
Sa paglilinis ng cutting board, kunin no muna ang natititang pagkain na naiwan dito at itapon sa garbage can o garbage bag at i-scrub ang cutting board gamit ang mabula at mainit na tubig. Kung may dishwasher, ang temperatura ay umabot sa 165°F at huwag mong ilagay ang plastic cutting board sa sobrang init na tubig dahil ito ay matutunaw. Kung ang iyong dishwasher ay may antibacterial cycle, gamitin mo ito upang hugasan ang cutting board o kaya ay i-scrub gamit ang mga kamay at hayaan itong matuyo ng hangin.
Sa pagtanggal ng mga mantsa sa cutting board, basain ang parte na may mantsa at lagyan ng asin. Hayaang matunaw ang asin at huwag galawin sa loob ng 24 oras. Banlawan ang asin na nasa cutting board ng malinis at mainit na tubig. Gamit ang asin at malinis na tubig, makakagawa ito ng paste. Gumamit ng malinis na nylon scrubbing sponge o kaya ay toothbrush para gamiting pang-scrub ang paste sa parte na may mantsa sa cutting board. Banlawan ang parte ng malinis at maligamgam na tubig. Ulit-ulitin lamang hanggang sa malinis at maalis mo ang lahat ng mantsa sa cutting board. Banlawan mo uli ang cutting board at i-scrub uli gamit ang mainit at mabulang tubig at banlawan ng malinis at maligamgam na tubig at hayaang matuyo ng hanging. Kapag natuyo na ang cutting board, itago ito vertically o pataas na posisyon. Makakatulong ito upang maiwasan ang pagdikit ng mga dumi at agiw sa loob at labas ng cutting board.
Sa paghugas naman ng dishwasher machine, punuin ang dishwasher ng maayos at ilagay sa tamang lalagyan sa dishwasher ang mga platong huhugasan upang hindi mabasag o maglahalo-halo. Lagyan ng sabon o detergent ang dispenser na tumatanggal ng dumi at samahan ng missing agent upang maiwasan ang pagkakaroon ng spotting at kung maaari ay paganahin ito sa loob ng kaunting minuto lamang at kung ang mga mahirap na hugasan ay ilagay sa loob ng mahabang minuto o oras upang mas maging malinis at matanggal ang mga dumikit na sebo. Patuyuin ang mga kagamitan ng heated dry pero huwag na huwag gagamitin ang gamit na gawa sa plastic materials dahil ito ay matutunaw kaya ito ay hayaang matuyo ng hangin upang hindi masira.
Hindi mo naman siguro na hahayaang maiwang nakatiwang-wang ang iyong nalinisang mga gamit sa pagluluto sa lugar na maraming mikrobyo at agiw. Bago no ilagay ang mga nahugasang mga gamit ay linisan muna ang paglalagyan nito upang maiwasan ang food contamination dahil ito ay direktang dumadapo sa pagkain na ating kinakain na nagdudulot ng sakit. Halimbawa na lamang kung ang iyong lalagyan ay gawa sa glass o kaya ay may glass door at makikita ang lahat ng nasa loob, huwag hahayang nakakalat sa loob at hindi naayos ng mabuti dahil maaaring mabiyak ang mga plato at higit sa lahat ay nakakahiya ito sa mga bisitang makakakita. Linisang mabuti ang cabinet at siguraduhing nalinis ito ng mabuti at naalis ang mga agiw na nation sa cabinet. Ilagay ito sa madaling maabot ng kamay at ang mga gamit na gawa sa glass ay ilagay sa tamang lalagyan at ibase ito sa kulay, disenyo at laki at siguraduhing nakaharap sa harap at maayos ang pagkakalagay (Jeff Lewis Style). Ang mga drawers naman ay dapat na ginawa sa kaparehong materyales at dapat ito ay sinisiguradong alinis bago ilagay ang mga gamit at kung maaari ay maglagay ng removable towels sa lining drawers.
Sa mga kemikal naman ay ilayo ito sa mga pagkain o ano pa mang produktong pagkain. Siguraduhing ilagay ito sa hindi mataas na lugar upang maiwasan ang akdisente at upang hindi ito mahulog sa mga pagkain o sa iba pang mga produkto ng pagkain. Ilagay ito sa loob ng ventilated room at huwag mo itong ilagay malapit sa mainit na parte baka ay sumabog ito. Ilagay ang mga kemikal na nakasiradong mabuti ang mga kemikal. Siguraduhing ang mga kemikal at mga panglinis ay may pangalan at malinaw itong mabasa upang maiwasan ang pagkakamali ng pagkuha nito at pati na rin ang manufactured date sa bawat kemikal ay malinaw na mababasa. Ang storage area ay dapat na nakasirado ng mabuti kapag hindi na ginagamit dahil baka ito ay paglaruan ng mga bata at inumin ang mga ito na nagreresulta ng pagkalason ng mga bata kaya maging advance na mag-isip at maging practical tayo.
Magkaroon ng regular cleaning ay kailangang matapos sa isang araw at ito ay dapat araw-araw na ginagawa bilang parte ng ating pang araw-araw na gawain o cleaning task ay dapat may schedule at kakailanganin sa araw-araw, tuwing linggo at buwan-buwan. Sa paglilinis ng sahig, bintana, pader at ang mga kagamitan sa kusina ay dapat na malinis at kung maaari ay magtulong-tulong ang bawat miyembro ng pamilya upang mapadali ang gawain sa kusina pati na sa bahay.
Lahat ng may food contact equipments, containers, at utensils o mga kutsara at tinidor ay dapat na malinis ng mabuti pagkatapos magamit ang mga ito. Isama mo na rin pati ang meat grinders, slicers, cutting boards, kutsilyo, mixers, peelers, dishwashing machines at stationary can openers upang maiwasan ang iba't-ibang uri ng cross food contamination at upang maiwasan ang pagkakasakit ng iyong pamilya dulot ng hindi maayos na pagkakalinis ng mga kagamitang ginagamit sa pagkain. Huwag hayaang may naiwan na sebo o grease sa plato o kahit sabon man. Maging strikto pagdating sa paghuhugas dahil kung hahayan mong hindi malinis ang iyong magkakaroon ng sakit ang iyong pamilya kaya hugasan ng mabuti ang iyong pinagkainan upang sakit ay maiwasan. Huwag hahayaang madumi ang kakainan pati na ang lamesang kakainan. Panatilihing malinis ang mga gamit sa bahay pati na sa kusina dahil diyan maraming mikrobyo ang kumakalat sa bawat corner ng bahay pati na sa iyong kusina. Kalusugan ng iyong pamilya ay nakasalalay sa iyong paghuhugas. "Sakit ay iwasan, mikrobyong kumakalat patay kapag paghuhugas ay linis ng wagas.:
Comments
Post a Comment